Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: 3 Chinese inmates na ‘itinakas’ sa Cavite, nasa ibang bansa na

$
0
0

NAKALABAS na ng Pilipinas ang sinagip ng mga armadong kalalakihan na tatlong Chinese national, pawang drug chemist ng isang kilalang drug syndicate.

Ani Cavite Gov. Jonvic Remulla, ito ay batay sa imbestigasyon ng awtoridad kasunod ng hot pursuit at follow-up operation laban sa 20 armadong katao na dumukot sa tatlong banyaga na ang mag-asawang Li Lan Yan “alyas Jackson Dy” at Wang Li Na, Li Tian Hua at isa pang presong Pinoy.

Sinabi ni Remulla na iniimbestigahan na rin nila ang posibilidad na pakikipagsabwatan ng jailguards sa mga taong nagplano ng rescue operation para sa tatlong Chinese nationals.

Tinitingnan din ang pagkakaroon ng security at procedural lapses sa pag-escort sa mga preso dahil wala itong kasamang iba pang behikulo habang papunta sa pagdinig ang mga presong banyaga sa Trese Martirez.

Ayon sa gobernador, naitakas ng mga armadong katao ang tatlong presong Chinese maliban sa Pinoy na iniwan paglampas ng dalawang kilometro.

Samantala, sinabi naman ni PNP, AIDSOTF spokesman C/Insp. Roque Merdeguia na si Jackson Dy ang nag-establish ng isang pagawaan ng shabu sa Tanza at Silang, Cavite na naaresto taong 2003.

Dagdag ni Merdeguia, ikinagulat din nila na sa Cavite Provincial Jail pa rin nakakulong si Dy sa halip na sa National Bilibid Prison (NBP) gayong nahatulan na ito ng habambuhay na pagkabilanggo ng Parañaque RTC noong 2010.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129