Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ex-kawani ng ADB, nadiskubreng patay

$
0
0

PATAY na nang madiskubre ang 62-anyos na retiradong kawani ng Asian Development Bank (ADB) makaraang matagpuang wala nang buhay sa tinutuluyang condominium kaninang umaga sa Pasay city.

Nadiskubre lamang ang bangkay ng biktimang si Gregory Alan London sa loob ng Unit 1215 Antel Seaview Tower C 2626 Roxas Boulevard nang magtungo ang kaibigan nilang si Lagrimas Cuevas, 57, Executive Assistant ng ADB dakong alas-8 ng umaga.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Allan Valdez ng Station Investigation ng Pasay Police, nakatanggap ng tawag si Mrs. Cuevas sa asawa ng biktima na si Luzonia London dakong alas-5 ng umaga at nakiusap na puntahan ang asawa sa kanilang condominium dahil hindi sumasagot ang mister sa kanyang mga tawag.

Si Gng. London ay nasa Australia at naiwang nag-iisa ang mister sa kanilang tinutuluyang condominium.

Nang makarating si Gng. Cuevas sa condominium, kinatok nito ang pintuan ng tinutuluyan ng biktima ngunit hindi nagbubukas kaya’t humingi na siya ng tulong sa security officer hanggang gumamit na sila ng duplicate key upang mabuksan ang pintuan.

Dito na nila natuklasan ang bangkay ng biktima na nakatagilid sa tabi ng hinihigaang kama. Sinabi ni Valdez na isasailalim sa autopsiya ang bangkay upang malaman ang sanhi ng pagkamatay nito bagama’t nagpahiwatig na ang kanyang mga kaanak na isa itong diabetic patient.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>