Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

P5M halaga ng alahas, natangay sa CDO mall heist

$
0
0

MAY limang-milyong halaga ng mga alahas ang nakulimbat ng mga miyembro ng Martilyo Gang sa panloloob sa isang pawnshop na nasa loob mismo ng SM City mall sa Cagayan de Oro City (CDO) nitong Martes ng gabi, Hulyo 22, ayon sa pahayag kaninang umaga, Hulyo 23, ng opisyal ng lungsod.

Sinabi ni City Councilor Ramon Tabor, chairman ng police, fire and public safety ng konseho, na ang nilooban dakong 7:46 ng gabi ay ang M’Lhuiller pawnshop na nasa ground floor ng SM City sa CDO.

Nang makaporma sa loob ay binasag aniya ng may 7 hanggang sampung hindi nakikilalang kalalakihan ang salamin ng mga istante ng nasabing pawnshop saka pinagkukuha ang mga sari-saring alahas na naka-display dito at saka tumakas lulan sa may 10 motorsiklo.

Nasaktan naman ang lady guard ng nasabing pawnshop na si Ella Sul-aron, 47, nang magtangkang lumaban na hinampas ng martilyo ng mga suspek.

Naglatag na ang kapulisan ng pagtugis sa mga suspek na tinukoy na mga miyembro ng kilabot na Martilyo Gang.

Ipapatawag naman ng awtoridad ang security agencies ng SM City mall upang magbigay ng kanilang paliwanag kung bakit nakapasok ang mga suspek sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad ng seguridad sa mga kostumer.

Narekober sa crimescene ang isang martilyo at maraming slugs ng mga bala nang magpaputok pa ang mga suspek bago tumakas.

Nito lamang nakaraang Lunes ng madaling-araw, isang E-Games and Online Casino ang nilooban din ng pinaniniwalaang parehong gang sa may J.R. Borja Extension sa siyudad at natangay ang may P45,000 collection. Robert C. Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>