PATAY matapos malunod sa estro ang isang 48-anyos na lalaki sa Quiapo, Maynila.
Kinilala lamang ang biktima sa alyas na “Chris”, scavenger, walang permanenteng address, naka-suot ng itim na t-shirt, checkered na asul at gray na pants at naka-paa.
Sa report ni SPO1 Wilfredo Valderama, dakong 2:30 ng hapon ng ma-recover ang biktima sa Estero de Quiapo, sa kahabaan ng Gonzalo Puyat, ng kanyang mga kaibigan na sina Romy Dizon, 44 at Pablito Magbutay, 46, ngunit wala na itong buhay.
Nauna rito, nakipag-inuman umano ang biktima sa ilan nitong kaibigan nang biglang sumakit ang kanyang tiyan dahilan upang umebak sa tabi ng estero.
Nawalan naman ito ng balanse at nahulog.
Hindi umano marunong lumangoy ang biktima kaya nalunod at namatay.
Wala namang nakitang anomang sugat sa katawan ng biktima na dinala na sa Arch Michael Funeral Parlor para sa safekeeping. Jocelyn Tabangcura-Domenden