NASA kamay ngayon ng Philippine National Police ang 17-anyos na binata na itinuturong nanggahasa sa dalawang taong gulang na batang babae sa Barangay Kapanikian, Gattaran, Cagayan.
Ayon kay S/Insp Wilhelmino Saldivar, hepe ng PNP Gattaran, sasampahan pa nila ng kaso ang suspek sa prosecutor’s office kahit na menor de edad ito, habang ipinabatid na rin nila ito sa Department of Social Welfare and Development.
Ayon kay Saldivar, mas mabuti umanong isailalim pa rin ang suspek sa inquest proceedings dahil sa bigat ng ginawang krimen.
Nabatid na nagtiwala ang ina ng biktima na hayaang dalhin ang bata sa bahay ng suspek na napag-alamang kamag-anak nila habang nasa maisan sila.
Ngunit nang maihatid umano sa bahay ang biktima ay doon na isinagawa ng suspek ang panggagahasa.
Nang umuwi ang ina ay nakitang may tumatagas na dugo sa duyan at nang kanyang suriin ay nakita niya ang ari ng kanyang anak ang dumudugo.
Agad namang dinala ng ina sa pagamutan ang bata at doon na natuklasan ang panggagahasa sa bata.
Dahil dito, nagsumbong ang ina sa mga pulis at nahuli ang suspek sa isang palayan na nagtangka pang tumakas.
Sa pahayag ng suspek sa mga pulis, sinabi niya na natukso siya nang makita niya ang ari ng bata kaya niya nagawa ang panghahalay sa biktima.