BINUNOT at sinunog ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang aabot sa 16 na puno ng marijuana sa operasyong isinagawa sa Malitbog, Bukidnon, nitong Pebrero 18.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., ang may 56 piraso ng marijuana seedlings at mga puno sa 1,500 square meters na taniman ay binunot saka sinunog.
Sinabi pa ni Cacdac na ang mga hinihinalang nagtatanim ng marijuana kabilang ang isang nakilala sa pangalangan Rogelio Opesa ay wala sa lugar nang ikasa ang operasyon ng mga tauhan ng PDEA kaagapay ang Malitbog police, sa naturang taniman sa Sitio Tabugan, Barangay San Luis, Malitbog, Bukidnon.
Nahaharap si Opesa sa kasong paglabag sa Section 16 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.