Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bangkay na may 57 saksak, natagpuan sa Pangasinan

$
0
0

SAN NICOLAS, PANGASINAN – Isang lalaki na may 57 saksak sa katawan ang natagpuang patay sa bayan ng San Nicolas, sa nasabing lalawigan kahapon ng hapon, August 1.

Kinilala ang biktima sa pangalang Romeo, may taas na 5’5” hanggang 5’7”, may bigote at naka-brown na t-shirt at maong na pantalon.

Sa imbestigasyon, hindi rin kilala ang biktima ng mga residente dahil dayo umano ang nasabing lalaki.

Ayon sa pulisya, halos madurong ang katawan ng biktima sa dami ng saksak na tinamo nito.

Maaaring biktima ito ng “summary execution” sa ibang lugar at tinapon lamang sa San Nicolas.

Patuloy na nagsasagawa ang local na police ng follow-up investigation tungkol sa kaso. Allan Bergonia


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>