PINATAY sa sakal ang isang hindi pa nakikilalang babae matapos matagpuang walang saplot sa loob ng isang apartelle sa Balintawak, Quezon City kaninang umaga, Agosto 2, Sabado.
Ang biktima na inilarawan ng pulisya na tinatayang 30 hanggang 35-anyos, mahaba ang buhok, kayumanggi ang balat.
Ang suspek na tinatayang nasa 40 hanggang 45-anyos ay tumakas matapos ang insidente.
Ayon kay SPO1 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District station 3-Talipapa, naganap ang insidente sa loob ng room 104 Balintawak Exit Apartelle EDSA, Brgy. Unang Sigaw, Balintawak, QC dakong 7:00 ng umaga.
Sinabi sa ulat na nagcheck-in ang biktima kasama ang hindi nakikilalang lalaki dakong 7:00 kagabi, Biyernes.
Nabatid pa sa pulisya na alas-2:30 ng madaling-araw kahapon, nakita ng staff ng motel na si May Jean Nicolas na nagmamadaling umalis ng kanilang kuwarto ang kasamang lalaki ng biktima sa naturang apartelle.
Alas-7:00 ng umaga kahapon tinangkang katukin ng attendant ng apartelle na si Jonard Salagan ang pintuan ng kuwarto ng biktima at makalipas ang ilang minuto walang sumasagot, binuksan ang pintuan ng key duplicate at dito na natagpuan ang naka hubo’t hubad na bangkay ng biktima na wala ng buhay.
Tinangay din ng suspek ang mga mahahalagang gamit ng biktima. Roger Panizal