TULUYAN nang nakalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyong Crising at nag-iwan ito ng apat na patay, ayon sa National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC).
Bukod dito, dalawa ang iniulat na nawawala habang apat pa ang sugatan sa pananalasa ng bagyo sa Mindanao.
Kinalala ng NDRRMC ang mga namatay na sina Francisco Digaynon at Erwin Campana, kapwa mula sa Campostela Valley, habang si Nelson Jemenez at Namatyagan Namones, ay parehong taga-Davao del Norte.
Sina Digaynon, Campana at Jemenez ay namatay matapos malunod habang si Namones ay namatay sa landslide na naganap sa border ng San Fernando, Bukidnon at Davao del Norte.
Sugatan naman sina Maria Nacua, Dodong Nacua, Anatallo Nacua at Baby Boy Nacua, na pawang ng Lanao del Norte, habang pinaghahaap naman sina Percella Apolinario mula sa Aklan at Suden Abdulla ng Saranganni province.
Batay sa talaan ng NDRRMC, 36,407 pamilya o 183,966 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.
Sa naturang bilang, 5,683 pamilya o 25,709 indibidwal ang nasa evacuation shelters.