Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Babaeng kinidnap sa Sulu, pinalaya na

$
0
0

PINALAYA na ang isa sa dalawang kababaihan na kinidnap ng armadong Abu Sayyaf bandits sa Patikul town, Sulu province nitong nakaraang Lunes.

Sinabi ni Western Mindanao Command spokesperson Capt. Ma. Rowena Muyuela na ang biktima ay nakilalang si Nursalyn Alih, ng Barangay Danag sa Patikul.

Pinalaya aniya si Alih nitong Lunes ng madaling-araw sa Sitio Kantitap sa Barangay Danag.

Dinala naman agad si Alih, 26, ng kanyang pamilya at Marine troops sa Camp Teodulfo Bautista Station Hospital para isailalim sa medical treatment. Inuwi naman din agad ng kanyang kapatid ang biktima sa kanilang tahanan sa Jolo, Sulu.

Hindi naman makumpirma pa ng pulisya at ng military authorities kung may ibinayad na  ransom money ang pamilyja ni Alih sa paglaya nito.

Sa kabilang dako, pinaniniwalaang nasa kamay pa ng mga bandido ang isa pang biktima na si Shekinah Hope Hamsain, na kasama ni Alih na dinukot noong nakaraang Linggo sa Barangay Kaunayan sa Patikul.

Maalalang, magkaangkas ang mga biktima sa kanilang motorsiklo at patungo sa Barangay Taglibi nang harangin ng mga bandido.

Patuloy na hinahanap ng military si Hamsain.

Samantala, dalawa sa mga kidnappers ay nakilalang sina Ramsid Sali at isang nagngangalang Injie. Robert C. Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>