NADAKIP ang isang lalaki matapos madaanan ng mga pulis na naglalaro ng balisong na nakuhanan pa ng shabu sa Caloocan City, Martes ng hapon, Agosto 6.
Nakilala ang suspek na si Delfin Siguan, 31, ng Balagtas St., Bagong Barrio ng lungsod.
Base sa ulat, alas-5:30 ng hapon, nagroronda ang mga pulis sa nasabing lugar nang mamataan ang suspek na nilalaro ang dalang balisong dahilan upang lapitan at dakpin.
Nakuhanan pa ng shabu ang biktima nang kapkapan kaya agad na idiniretso sa presinto at ikinulong. Rene Manahan