Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lalaki ginulpi saka tinarakan, kritikal

$
0
0

KRITIKAL ang batilyo (fish porter) nang gulpihin at pagsasaksakin ng isang negosyante ng isda na nakasagutan nito kagabi, August 5, sa Consignacion Market sa Malabon City.

Inoobserbahan sa Tondo Medical Center (TMC) ang biktimang si Rey Reyes, 30, binata ng Estrella St., Brgy. Tañong ng nasabing lungsod sanhi ng mga saksak ng icepick sa dibdib.

Arestado naman ang suspek na si Jose Al Almudiel, 32, ng Palmario II St., Brgy. Tonsuya na nahaharap sa kaukulang kaso habang nakapiit sa detention cell ng Malabon Police.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Jerry Dela Torre at PO3 Jun Belbes, dakong 10:25 ng gabi nang maganap ang insidente sa loob ng consignacion market sa Estrella St., ng nasabing barangay.

Nauna rito, nagkakasagutan lamang ang dalawa sa hindi malamang dahilan nang bigla umanong gulpihin ni Almudiel si Reyes.

Nang matumba ang biktima ay pinagsasaksak pa ng suspek hanggang sa magawang makatakas at makahingi ng tulong sa malapit ng Police Community Precint (PCP-6) dahilan para agad maaresto ang suspek at makuha ang 13 pulgadang icepick na ginamit sa krimen.

Patuloy na inaalam ng mga awtoridad kung ano ang pinag-ugatan ng krimen. Roger Panizal


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>