Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Sekyu ng beerhouse binoga, utas

$
0
0

BAGUIO CITY, LA TRINIDAD – Patay ang isang security guard matapos barilin ng isang lalaking ayaw ipa-inspeksyon ang dalang bag sa isang beerhouse sa Baguio City, sa nasabing lalawigan.

Kinilala ang biktimang si Rolando Bostardo, ng City Camp Proper guard, Chanum St., Baguio City.

Ayon sa ulat ng pulisya, gustong pumasok ng suspek sa isang beerhouse ngunit ayaw niyang ipa-inspeksyon ang kanyang bag.

Sa puntong ito, nagkaroon ng pagtatalo ang biktima hanggang sa kumuha ng baril ang suspek at pinaputukan ang sekyu.

Namatay ang biktima bago dumating ng Baguio General Hospital and Medical Center habang kasalukuyang pinaghahanap ang suspek para panagutin sa krimen. Allan Bergonia


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>