Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot pinulutan ng kainuman

$
0
0

PATAY na nang isugod sa Malungon Municipal Hospital ang isang lalaki matapos saksakin ng ilang beses ng naka-inumang kaibigan sa Malungon, Sarangani Province.

Kinilala ang biktima na si Jojo Arevalo, ng nasabing lugar.

Ang suspek ay si Darwin Belarmino, laborer at residente ng Purok Pacheco, Malungon, Sarangani Province.

Sa salaysay ng lolo ng suspek na si Juanring Belarmino, sinabi nito na nag-iinuman ang kanyang apo at si Arevalo nang bigla na lang narinig ang pagdaing ni Jojo na nagtamo ng 11 sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaniniwalan na ang personal na away ng magkaibigan ang dahilan ng kanilang pagtatalo.

Ang suspek na kalalabas pa lamang ng kulungan dahil na rin sa pananaksak, ay sumuko na sa pulisya ng Malungon.

Napag-alaman na ang biktima ay suspek din noon sa pagpatay sa kanyang kakambal noong nakaraang taon. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>