MASUSING iniimbestigahan ng Taguig City police ang pagkamatay ng isang 28-anyos na Singaporean national na nahulog mula sa ika-22 palapag ng tinutuluyan nitong condominium, kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.
Dead-on-the-spot ang biktimang si Qiao Sheng Zhang, Manager ng isang Business Process Outsourcing (BPO) Company, sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan.
Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Jay Laguerta ng Taguig City police, alas-4:00 ng madaling-araw ng maganap ang insidente sa Crescent Park Residences Condominium sa 30th St., kanto ng 2nd Ave., Bonifacio Global City ng nasabing lungsod.
Kasalukuyang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya hinggil sa naganap na insidente gayundin, inaalam ng mga awtoridad kung may nakakabit ng closed circuit television (CCTV) camera sa naturang palapag upang malaman kung nahagip ang nangyaring insidente. Jay Reyes