Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-utol, todas sa cara y cruz

$
0
0

PATAY ang isang magkapatid na lalaki nang pagsasaksakin ng isang hindi nakikilalang salarin nang magtalo ang nakababatang biktima at ang suspek sa cara y cruz kamakalawa ng gabi, sa Las Piñas City.

Kapwa hindi na umabot nang buhay sa Las Piñas District General Hospital ang mga biktima na sina Brando Salido, 21, at Vincent Salido, 28, ng 169 Diamond St., Phase-5, BF Martinville, Manuyo Dos nang nasabing lungsod, sanhi ng tinamong saksak sa dibdib.

Inaalam naman ng pulisya ang pagkakakilanlan ng suspek na agad tumakas matapos ang krimen.

Batay sa isinumiteng ulat kay S/Supt. Adolfo Samala, hepe ng Las Piñas City Police, alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa 6th St., kanto ng Diamond St., Phase-5 BF Martinville Dos ng nabanggit na lungsod.

Nauna rito, nakitang naglalaro ng cara y cruz ang biktimang si Brando kung saan kalaro nito ang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa kasagsagan ng laro ay biglang nagkagulo sa taya na nauwi sa mainitang pagtatalo.

Dahil dito, sinuntok ng suspek si Brando saka pinagsasaksak gamit ang bitbit nitong patalim.

Agad na tumakbo palayo ang suspek ngunit nang mapansin naman nito ang nakatatandang kapatid ni Brando na si Vincent, pinagsasaksak niya rin ito.

Mabilis na tumakas ang suspek na pinaghahanap na ngayon habang isinugod naman sa nasabing ospital ang magkapatid ngunit tuluyan na ring namatay. Jay Reyes


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>