Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Fetus natagpuan sa drainage sa Balintawak

$
0
0

ISANG fetus ang natagpuan ng isang vendor habang naglilinis ng kanilang drainage sa Barangay Unang Sigaw, Balintawak, Quezon City kaninang madaling-araw, Agosto 12, Martes.

Ayon kay SPO1 Edwin dela Cruz ng Quezon City Police District (QCPD) Station 3- Talipapa, natagpuan ang fetus sa kahabaan ng Gana Compound, Barangay Unang Sigaw, Balintawak, QC dakong 2:30 ng madaling-araw.

Naglilinis umano ng kanilang drainage ang vendor na si Marlon Pagkulan sa nasabing lugar nang matagpuan ang isang fetus.

Agad ipinagbigay-alam ni Pagkulan sa kanilang barangay ang natagpuang fetus na agad naman itinawag sa QC police.

Hinihinalang itinapon sa lugar ang naturang fetus. Santi Celario


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>