Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Binata, nang-hostage dahil sa kaning lamig

$
0
0

HINOSTAGE ng isang binata ang mga nakababatang kapatid nito makaraang mapagalitan ng kanilang ama dahil naubos nito ang tirang kanin sa Caloocan City, Lunes ng gabi, Agosto 11.

Nakilala ang suspek na si Gabriel Villafuerte, 21, ng Jamante St., Deparo ng lungsod.

Kagabi, naubos umano ng suspek ang natirang kanin kaya siya napagalitan ng kanilang tatay.

Alas-11 ng gabi, kasama ang mga nakababatang kapatid ay nagkulong sa kanyang kuwarto ang binata hawak ang isang granada na itinawag naman agad ng ama sa mga pulis.

Tinangkang kausapin ng mga pulis ang suspek subalit tumanggi ito dahilan upang humanap ng paraan para mapasok ang kuwarto.

Nang makapasok na, agad dinamba ang suspek at naagaw ang hawak nitong MP2 granade, nakita sa kuwarto ang nagkalat na piyesa ng baril at mga bala.

Inaalam na ng pulisya kung sangkot sa iligal na gawain ang suspek at ang pinagmulan ng granada at mga baril sa kuwarto. Rene Manahan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>