BINULABOG ng bomb threat ang Polytechnic University of the Philippines (PUP) sa Sta. Mesa sa Maynila kaninang umaga.
Bunsod nito, sinuspinde ng pamunuan ng unibersidad ang klase ng mga estudyante ganap na alas-12 ng tanghali.
Nabatid na nakatanggap ng tawag ang isang emplyeado ng Office of the President ng unibersidad na umano’y may nakatanim na bomba sa Mabini Campus.
Kaagad namang inabisuhan ang mga estudyante at empleyado na abandonahin ang mga gusali.
Mabilis namang rumesponde ang mga tauhan ng Manila Police District – Explosives and Ordinance Division (MPD-EOD) upang beripikahin ang impormasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden