Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Dengue outbreak sa Tandag, idineklara

$
0
0

ISINAILALIM na sa state of calamity ng lokal na pamahalaan ang Tandag City sa lalawigan ng Surigao del Sur dahil sa tumataas na kaso ng dengue.

Ayon kay Tandag City administrator Alexander Pimentel, ito’y dahil sa mabilis na pagdami ng mga natamaan ng dengue sa lugar.

Ayon sa report ng Regional Epidemiology & Surveillance Unit ng DOH-Caraga, mula Enero 1 hanggang Agosto 2 nitong taong kasalukuyan, tumaas ng 81.2% ang kaso kumpara noong nakaraang taon matapos na 18 sa 21 mga barangay ang may naitalang kaso ng dengue.

Napag-alaman na umabot na sa 3,313 katao ang nagka-dengue sa buong rehiyon ng Caraga na ikinamatay ng 17 katao. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>