PINAGHAHANAP na ng pulisya ang suspek na responsable sa panggagahasa at pagsaksak sa isang babae sa loob ng tinitirhang bahay sa Grand Europa, Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City.
Kinilala ang biktima na si Riza Saguindan, 27, mag-aaral sa isang tanyag na unibersidad sa nasabing siyudad.
Inihayag ni Yupi Saguindan, ina ng biktima na iniwanan nila ang anak na mag-isa sa loob ng bahay dahil sa mahalagang lakad.
Nagtataka umano sila dahil nang tinawagan ay walang sumasagot sa cellphone nito.
Nagsumbong din sa kanila ang subdivision roving guard na palaging nakabukas ang pintuan ng kanilang bahay kahit gabi.
Dakong hapon na nang malaman na patay na pala ang kanilang anak.
Nakita rin sa crime scene ang kutsilyo at tuwalya na pinantakip sa biktima.
Natuklasan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) na mahigit 20 ang natamong saksak ng biktima dahilan ng kanyang agarang pagkamatay. Marjorie Dacoro