Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 grupo ng magsasaka nag-riot, 1 patay

$
0
0

AGAWAN sa lupa ang tinitingnang dahilan ng panibagong sagupaan ng dalawang grupo ng magsasaka sa Pandan, South Upi, Maguindanao na nagresulta sa kamatayan ng isang kasapi ng Lumad at pagkasugat naman ng isa pa.

Kinilala ang namatay na si Celso Bulunan, 47, mula sa grupong Lumad, residente ng nasabing lugar, habang sugatan naman ang isang menor-de-edad na si Alvin Manan, 17, mula sa Moro group.

Ayon sa Upi-PNP, pinag-aagawan ng dalawang grupo ng magsasaka ang 30-50 na ektarya ng lupa dahilan ng nangyaring sagupaan.

Sa ngayon ay pumagitna na ang mga awtoridad upang hindi na masundan pa ang naturang kaguluhan habang patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>