LUMALALA na ang kaso ng child abuse sa bansa ayon sa PNP.
Sa ulat ng PNP Women and Children Protection Center, pumalo sa 93% ang naitalang pagtaas sa mga kaso ng child abuse.
Batay sa datos ng PNP-WCPC na mula sa 9,737 na kasong child abuse na naitala mula noong Enero hanggang Hunyo noong 2013, pumalo na ito ngayon sa 18,801 sa unang anim na buwan ngayong taon.
Kabilang sa iba’t ibang uri ng pang-aabuso laban sa mga kabataan gaya ng rape, attempted rape, child labor, trafficking at iba pa at ang pinakakaraniwan o ang may pinakamaraming kaso ay nasa ilalim ng pisikal na pananakit o physical abuse.
Nangunguna sa mga rehiyong may pinakamaraming kaso ng pananakit sa mga bata ay ang Regions 11, 10, 6, 4-A at National Capital Region (NCR). Johnny Arasga