Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

6 Indonesian, 2 Pinoy arestado sa cigarette smuggling

$
0
0

ANIM na Indonesian nationals at dalawang Pinoy ang inaresto ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil sa kasong smuggling sa General Santos City.

Sa ulat, ang naarestong dayuhan ay sina Frankie Salimlisang at Dalan Carlos, pawang 46-anyos; Edward Calindisang, 21; Junior Bordeman, 22; Richard Siryang, 33; Harsono Odingan, 36, pawang ng Tahuna, Indonesia.

Habang ang dalawang Pinoy ay sina Eduardo Crisostomo, 53, ng Uhaw, Bgy. Fatima at Elmer Pasculado, 27, ng Bgy. Tambler, nasabing lungsod.

Ayon kay Coast Guard Station-GenSan Chief Petty Officer Noli Caspillo, nahuli ang mga ito nang mapansin ng PCG sa five-nautical miles sa karagatan ng Sapu Masla, Malapatan, Sarangani, sakay sa barkong Marco-3.

Nasa 27 kahon ng Garam cigarette ang nakumpiska sa mga nahuli na galing pa sa Indonesia.

Nakatakda namang i-turn-over sa Bureau of Customs (BoC) ang mga nakumpiskang sigarilyo.

Dinala ang mga naaresto sa BID-Sarangani para sa pagpapatuloy ng imbestigasyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>