ISA sa apat na karnaper ang nadakip habang nakatakas ang isa pang kasamahan ng mga ito matapos ang habulan na umabot sa EDSA-Buendia Extension sa Macapagal Blvd., Pasay City.
Narekober sa mga suspek na sina Nelson Castillo, Brian Legitimas, Victorio Nuas at Roberto Gozon ang Mitsubishi Lancer na kanilang kinarnap.
Tatlong baril din ang nasamsam sa mga ito, dalawang kalibre .45 at isang 9-mm.at dalawang patalim.
Nauna rito, tinutukan ng baril ng mga suspek ang isang lalaki at tinangay ang kanyang motorsiklo sa Vito Cruz Street at ginamit sa pang-i-snatch sa Makati.
Ayon kay Sr. Supt. Manuel Lukban, hepe ng Makati Police, isa pang ulat ng paghahablot ng motorsiklo ang kanilang natanggap matapos tutukan sa bahagi ng Evangelista sa Makati-Pasay boarder.
Sunod na nag-alerto ang kapulisan, naglatag ng checkpoint. Sa pagroronda, natunton ang grupo na saktong magpapalitan ng mga sasakay sa motorsiklo at sasakyan, na taktika ng grupo para makaiwas sa checkpoint.
Namataan ng mga pulis ang mga suspek sa Bangkal at nagkahabulan hanggang umabot sa Pasay malapit sa MOA.
Nang makikitang mata-traffic sa lugar, binaril na ng mga pulis ang mga gulong ng kotse hanggang mapahinto ito.
Napaligiran agad ang Lancer at hindi na nanlaban pa ang mga suspek.
Habang nakatakas naman ang kasama ng mga ito na sakay ng nakaw na motorsiklo na hindi naman naplakahan.
Ipinagkaila naman ng mga suspek ang akusasyon. Johnny F. Arasga