Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

‘Sex for food’ sa resettlement areas ipinabubusisi

$
0
0

PINAAAKSYUNAN ng isang Catholic priest sa pamahalaan ang nagaganap na ‘sex for food’ sa mga resettlement area.

Ayon kay Fr. Anton Pascual, Executive Director ng Caritas Manila, immoral ang isyung sex for food o pakikipagtalik kapalit ng kaunting salapi o pagkain.

Iginiit ni Pascual na karapatan ng bawat tao ang makakain kaya’t dapat lamang maipagkaloob ito sa kanila ng lipunan na pinamamahalaan ng gobyerno.

Aniya pa, ipinapaalala ng Catholic Social Teaching sa lahat ang pantay na pamamahagi ng yaman lalo na sa mga nangangailangan.

Nanindigan rin ang pari na dapat ipagkaloob sa mga urban families na inililipat sa mga resettlement area ang lahat ng oportunidad bago pa lisanin ang mga lugar na kanilang pinagmulan nang hindi masangkot sa mga hindi magagandang gawain tulad ng sex for food.

Nauna rito, napaulat na napipilitan ang mga naninirahan sa resettlement area sa Calauan, Laguna, na makipagtalik kapalit ng P100 hanggang P150 na kita para lang makabili ng pagkain.

Ang nasabing komunidad ay binubuo ng may 6,000 pamilya na biktima ng bagyong Ondoy, pag-aalis sa mga naninirahan sa waterways sa Paco, Estero de Malacanang, Pandacan, maging sa Dasmarinas Cavite at San Isidro, Laguna. Macs Borja


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129