Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Huling nagse-sex: Kalaguyo ni misis tinarakan ng sekyu

$
0
0

KRITIKAL ang kalagayan ng isang meat vendor nang tadtarin ng saksak ng security guard nang maabutan ng huli ang kanyang kinakasama at ang una na nagtatalik sa loob ng kanilang bahay kagabi sa Navotas City.

Nakaratay at ginagamot sa Tondo Medical Center (TMC)  si Isagani Padernal, 32, ng Block 19, Nagpayo St., Pasig City sanhi ng mga malalalim na saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan

Patuloy namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga awtoridad laban sa suspek na si Jeffrey Gumales, 28, ng #1 Marcelo St., Road 10, Bgy. North Bay Blvd. South, Navotas City na mabilis na tumakas matapos ang insidente.

Ayon sa imbestigasyon, naganap ang insidente alas-11:20 ng gabi sa loob ng bahay ng suspek at kinakasama nitong si Raquel Padilla, 30.

Sa salaysay sa mga awtoridad ng isang saksi, dumating ang suspek sa kanilang bahay nang abutan ang biktima at ang kanyang kinakasama na nagtatalik.

Dahil dito, agad kumuha ng patalim ang suspek at walang awang pinagsasaksak ang biktima bago mabilis na tumakas.

Sa himpilan ng pulisya, tumangging magbigay ng pahayag ang kinakasama ng suspek at sinabi pa nito sa mga imbestigador na wala ito sa bahay nang maganap ang insidente.

Napag-alaman naman ng mga awtoridad na bago naging ka-live-in ng suspek si Padilla ay dati itong may relasyon sa biktima hanggang sa mahuli ng security guard. Roger Panizal
 
 
 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>