Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Talunang mayor dakip sa panghihipo

$
0
0

SWAK sa rehas ang isang talunang mayoralty candidate nang lamasin nito ang kanyang nakursunadahang dalagita sa Koronadal City.

Kaninang umaga, Agosto 14, isinampa na ng pulisya sa korte ang kaukulang kaso laban sa suspek na si Teresito Betita, 49, may asawa, tricycle driver at residente ng Purok Katipunan, Bgy. General Paulino Santos, Koronodal City.

Bago ito, dumulog kahapon sa Korodonal-PNP ang mga mga magulang ng biktima upang ireklamo ang pambabastos sa kanilang 12-anyos na babaeng anak.

Agad namang pinuntahan ng pulisya ang bahay ng suspek at hinuli ito sa bisa ng isang arrest warrant.

Sa salaysay ng biktima, may binili siya sa tindahan nang biglang dakmain ng suspek ang kanyang dibdib.

Si Betita ang nag-iisang katunggali sa pagka-alkalde ni Koronadal City Mayor Peter Miguel noong nakaraang 2013 national election. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>