TATLO ang patay habang tatlo pa ang sugatan nang magbanggaan ang dalawang trak at araruhin pa ang isang bahay at motorsiklo sa Pangasinan kaninang umaga, Agosto 14.
Dead-on-the-spot ang maka-live-in na lulan ng motorsiklo na sina Doria Arzadon de Leon, ng Barangay San Isidro, Binmaley, Pangasinan at Galileo Caladiao, ng Barangay Mangin. Halos nahati ang katawan ni De Leon habang nabasag naman ang ulo ni Caladioa.
Patay din ang may-ari ng bahay na si Victoria Cortez, habang nagluluto nang maganap ang insidente.
Sugatan naman ang nagmamaneho ng Elf truck na si Gilbert Catalan at maging ang drayber ng dump truck na si Jaime de Guzman, at pahinante ni Catalan na si Ronnie Mararac.
Bago ito, nagbanggaan ang dalawang trak na minamaneho nina Catalan at De Guzman ngunit at kasamaang palad ay nakaladkad nila ang motorsiklong sinasakyan nina Caladiao at De Leon bago bumulusok pa sa karinderya na nakapuwesto sa bahay ni Cortez. Robert Ticzon