PATONG-PATONG na kaso ang kinahaharap ng isang tomboy na Chinese national matapos bukod sa sipa at suntok ay sinigawan pa niya ang tatlong pulis na umawat sa kanyang pagwawala sa loob ng isang bar sa Barangay Balabag, Boracay.
Sinampahan ng kasong alarm and scandal, direct assault upon an agent of person in authority at kasalukuyang nakadetine sa Aklan Rehabilitation Center ang suspek na si Yang Zhao, 32, dive instructor, at pansamantalang naninirahan sa naturang lugar.
Ayon kay PO1 Mark John Salazar ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), humingi ng police assistance ang security guard ng Cocomangas bar dahil sa pagwawala ng Chinese national dulot ng sobrang kalasingan.
Rumesponde sila sa lugar kasama ang dalawang iba pang pulis ngunit imbes na tumigil ay sinipa, sinuntok at sinigawan pa sila ng naturang suspek dahilan ng mga ito sugat nito sa katawan.
Nagtakda ang korte ng P12,000 piyansa para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Marjorie Dacoro