Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lolo, natusta sa sunog

$
0
0

NATUSTA ang isang 92-anyos na lolo matapos masama sa nasunog na bahay sa lalawigan ng Abra kahapon.

Napag-alamang tumagal ng tatlumpung minuto bago naapula ang sunog sa Zone 6 sa Bangued, Abra.

Ayon sa apo ng biktima, kagigising lang nito nang lumiyab ang bahay at hindi na niya naisalba ang kanyang lolo.

Sa inisyal na imbestigasyon, agad kumalat ang apoy kaya hindi na nagkaroon ng pagkakataon ang pamilya ng biktima upang isalba ito.

Sinabi naman ng imbestigador na gawa sa light materials ang nasabing bahay dahilan ng agarang pagkalat ng apoy.

Sa ngayon ay inaalam pa ng mga imbestigador kung ano ang sanhi at kung magkano ang danyos sa naturang sunog. Marjorie Dacoro


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>