Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Obrero tigbak sa taga

$
0
0

TIGBAK ang isang construction worker matapos saksakin ng tatlong hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Pasong Tamo, Quezon City kagabi, Agosto 17, Linggo.

Kinilala ang biktimang si Junior Manio, 43, ng No. 308 Macaya St., Tandang Sora Avenue, Brgy. Pasong Tamo, QC.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente sa harap ng Bong sari-sari store sa Macaya St., Tandang Sora dakong 8:10 ng gabi.

Nagkaroon umano ng kasiyahan ang biktima kasama ang kaibigan nitong si Henry Malauan sa harap ng naturang tindahan nang biglang dumating ang tatlong hindi kilalang lalaki na armado ng patalim.

Ayon kay Malauan, bigla na lamang sinaksak ng mga suspek ang biktima na ikinasugat nito.

Bagama’t sugatan, nakatakbo pa ang biktima subalit hinabol ito ng mga suspek.

Agad namang sinugod ang biktima sa East Avenue Medical Center (EAMC) subalit idineklara itong dead-on-arrival makalipas ang ilang minuto. Santi Celario


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>