Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Negosyante, pinahirapan muna saka pinatay

$
0
0

MASUSING iniimbestigahan ng Makati City Police ang motibo sa pamamaslang sa isang 58-anyos na negosyante na hinihinalang pinahirapan muna bago tuluyang paslangin.

Natagpuan itong patay at nakatali ang magkabilang kamay at paa sa loob mismo ng tinutuluyan nito kahapon ng umaga sa naturang lungsod.

Kinilala ang biktimang si Ramon De Guzman, ng 556 Unit 303, TRP Building, kanto ng P. Binay at Harrison Sts., Barangay San Isidro, Makati City.

Batay sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Branch ng Makati City Police, alas-10:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng tinutuluyan nitong unit.

Hinala ng pulisya na pinahirapan muna ang biktima dahil sa tinamo umano nitong mga pasa at sugat sa katawan kung saan nakita na lang itong nakatali ang magkabilang kamay at paa ng straw at duct tape.

Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente. Jay Reyes


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>