CAVITE – Dead on arrival sa pagamutan ang isang miyembro ng Eagle Task Force Kalikasan habang tatlo sa kasama nito ay kritikal na sugatan matapos na maka-engkuwentro ang mga mangingisda sa karagatan ng barangay Talaba 2, Bacoor City, Cavite kahapon ng umaga.
Kinilala ni PSupt. Ronaldo Mendoza, hepe rito, ang napatay na biktima na si Armando Torejos y Argana, 55, at mga sugatan na sina Reynaldo Espireda, nasa hustong gulang; Paul Abayga y Rojo, 24, at alyas Nonoy, pawang mga residente rin dito.
Mabilis namang tumakas ang isang nakilala lamang sa alias na Baba, nasa hustong gulang, mangingisda at residente ng Bernabe, Pulang Lupa, Las Pinas, City; at ang 15 pang hindi nakilalang kasama nito.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Ronaldo Orozco, may hawak ng kaso, dakong alas 3:00 ng hapon sa nasabing karagatan ng matanaw ng mga biktima ang mga suspek na nagsasagawa ng dynamite fishing sakay ng isang motor boat.
Agad umano nila itong dinakip ngunit nakapulas ang mga ito.Dahil may dalang ang mga suspek, agad na pinagbabaril ang mga biktima na tinamaan sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
Agad na dinala sa St. Dominic Hospital ang mga biktima ngunitideneklarang patay na si Torejos habang agad na nilapatan ng gamot ang mga naghihingalong kasama nito.
Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang mga suspek.