CAVITE- “Di ko na alam kung ano ang gagawin sa sarili ko, mabuti pang mamatay na lang ako.”
Ito ang pahayag ng isang barangay tanod sa iniwanang suicide note sa barangay Rosario Cavite kamakalawa ng umaga.
Sa ulat mula sa tanggapan ni Cavite Provincial Director PSSupt. Alexander Rafael, kinilala ang biktima na si Christian Collantes, 25 anyos, may-asawa, barangay tanod at residente ng Tramo Brgy Silangan 1, Rosario, cavite.
Sa imbistigasyon ni PO1 Christian A. David, may hawak ng kaso, 12:30 ng gabi ng makita ni Nelson Collantes Y Arcita, tiyuhin ng biktima, pedicab driver at residente rin dito ang nakabiting pamangkin na may tali sa leeg.
Dinala sa Our Saviour Hospital ang biktima ngunit ideneklara na itong dead on arrival ng mga manggagamot.
Nabatid na matagal ng nakararamdam ng depresyon ang biktima dahil sa problema kaya winakasan ang sariling buhay.