Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot sugatan sa ligaw na bala

$
0
0

SUGATAN ang isang tricycle driver matapos tamaan ng ligaw na bala habang papunta sa KTV bar kasama ang kaibigan sa Caloocan City, Martes ng madaling-araw, Agosto 19.

Dinala sa Tala Hospital sanhi ng tama ng bala sa kaliwang braso si Edgar Dela Cruz, 30, ng Gumamela St., Tala ng lungsod.

Base sa ulat, alas-2:45 ng madaling-araw, kasama ng biktimang naglalakad ang mga kaibigan papunta sa videoke bar nang pagsapit sa Ilang-Ilang St., Tala ng lungsod ay biglang namanhid ang braso ng una.

Nang tingnan ay umaagos na umano ang dugo naging dahilan upang dalhin sa TH kung saan inaalam na ng mga pulis kung kanino galing ang balang tumama sa biktima. Rene Manahan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129