Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

LPG truck sinuwag ng kotse, 2 lagas, 2 kritikal

$
0
0

DALAWA ang patay habang dalawa naman ang malubhang nasugatan nang sumalpok ang kanilang sinasakyang kotse sa kasalubong na LPG trailer truck sa Mariveles, Bataan kaninang umaga, Agosto 19.

Dead-on-arrival sa Meheseco Hospital sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang mga biktimang sina Rayland Macapulay, drayber ng Nissan Sentra at ang pasahero nitong Jerry Orilla, 50.

Kritikal naman ang kondisyon ng mga pasahero rin ni Macapulay na sina Rachel Samong, 25, at Richard Peñaflor, kapwa ng Limay, Bataan.

Nasa kustodiya na ng Mariveles Municipal Police station at nahaharap sa patong-patong na kaso ang nagmamaneho ng trak na si Domingo Danoso, 50.

Ayon kay Bataan Police Provincial Office Director Supt. Flynn Dongbo, naganap ang aksidente bandang 6 kaninang umaga sa Roman Highway, sa Doña Nene, Barangay Alas Asin sa Mariveles.

Sa imbestigasyon, binabagtas ng LPG trailer tanker na minamaneho ni Danozo, ang Maap road patungo sa Barangay Alas Asin kasama ang kanyang pahinante na si Joeyshir  Suliva, 34, nang salpukin sila ng Nissan Sentra na minamaneho ni Macapulay at sakay sina Orilla, Samong at Peñaflor.

Ayon kay Danoso, mabilis umano ang dating ng kotse ni Macapulay at sa isang iglap sinalpok ang unahang bahagi ng kanyang trak. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>