Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Preso, kritikal sa ka-”gang”

$
0
0

SUGATAN ang isang preso nang saksakin ng kapwa inmate na dati nitong nakaalitan sa loob ng Maximum security compound ng New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City, kamakalawa.

Kasalukuyang inoobsebahan sa NBP Hospital ang biktimang si Jainor Voluntate, nasa hustong gulang, may kasong murder, nakakulong sa 3D2 at miyembro ng Happy Go Lucky Gang, sanhi ng tinamong limang tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Inilagay naman sa preventive cell si Jose Balinas, Jr.,  miyembro din nang nasabing gang at may kasong homicide.

Batay sa isinumiteng ulat kay NBP officer-in-change Supt. Robert Rabo, alas-3 ng hapon nang maganap ang insidente kung saan kalalabas lamang umano sa klase ni Voluntate sa alternative learning system nang salubungin ito ng saksak ni Balinas.

Duguang bumagsak si Voluntate at dinala kaagad sa nabanggit na pagamutan, habang si Balinas ay agad namang nasakote ng mga nakatalagang prison guard.

Ayon sa awtoridad, paghihiganti umano ang motibo sa pananaksak ni Balinas kay Volutante dahil may dati na umano silang alitan bukod pa sa madalas umanong nagkakaasaran ang mga ito. Jay Reyes


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129