Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Parak nahulog sa roller coaster ride

$
0
0

PANSAMANTALANG isinara sa publiko ang isang roller coaster sa GenSan Oval Plaza makaraang mahulog ang isang pulis na sumakay dito.

Ito’y kasunod ng inspeksyon ng Pendatun PNP, ilang tauhan ng City Mayors’ Office at Office of the Building Official sa naturang ride.

Napag-alaman na anim sa lock ng roller coaster ang nasira kabilang na ang inupuan ng biktimang si Po1 Paul Andrew Aparente, 38, ng Agan North Phase 1, Bgy. San Isidro, Gensan at naka-assign sa City Public Safety Company ng GenSan City Police Office.

Napag-alaman na naoperahan na ang biktima matapos mapuruhan ang ulo at balikat ngunit nanatili pa rin sa Intensive Care Unit (ICU).

Nagtutulungan na ngayon ang pulisya at Director ng GenSan Tuna Festival upang malaman ang impormasyon na tinanggal ng biktima ang kanyang safety belt na sanhi nang pagkakahulog nito mula sa kanyang upuan.

Iniimbestigahan rin ang alegasyong nakainom ang naturang pulis nang mangyari ang insidente. Marjorie Dacoro
 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>