SA kabila ng malakas na ulan ay natupok pa rin ng lumalagablab na apoy ang isang residential area sa Sisa St. sa Sampaloc, Maynila kagabi.
Alas-8:00 ng gabi ng itaas sa ikatlong alarma ang sunog.
Dahil sa mabilis na pagbaha sa bahagi ng España at katabing mga lansangan ay hindi agad napasok ng mga bumbero ang lugar bukod pa sa makitid na daanan.
Idineklarang kontrolado ang sunog ganap na alas-9 ng gabi.
Wala namang naiulat na nasaktan sa sunog.
Inaalam pa kung ano ang sanhi ng sunog at kung magkano ang napinsala ng sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden