PROBLEMA sa pamilya ang itinuturong dahilan ng pagpapakamatay ng isang lolo sa Tayabas City.
Kinilala ang biktima na si Julian Saberola, 79.
Nabatid na bago nagpakamatay ang biktima ay palaging balisa at malalim ang iniisip nito.
Una rito, patay at nakabitin na ang biktima nang matagpuan ng kanyang mga kapamilya sa loob mismo ng kanyang silid.
Ibinitin ng biktima ang kanyang leeg gamit ang isang plastic straw na isinabit sa beam ng kanilang bahay.
Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na walang foul play na nangyari. Marjorie Dacoro