PATAY ang isang family driver matapos saksakin ng mga holdaper sa Sta. Cruz, Maynila, Martes ng umaga.
Ayon kay SPO4 Glenzor Vallejo ng Manila Police District Homicide Investigation, naglalakad at papasok na sa trabaho ang 52-anyos na si Benedicto Dela Cruz nang harangin ng apat na suspek sa kanto ng Fuguso at Natividad.
Inagaw ng mga suspek ang backpack ni Dela Cruz subalit ito’y nanlaban.
Kaagad na namatay ang biktima matapos saksakin sa tagiliran ng mga tumakas na suspek.
Ayon sa kinakasama ni Dela Cruz, baong pagkain at toothbrush lang ang laman ng bag ng biktima, habang P100 naman ang laman ng tinangay na pitaka ng napatay na driver. Johnny Arasga