IPINAHAYAG ng PAGASA na magiging madalas at mas maraming ulan ang mararanasan ng bansa sa mga susunod na taon ayon sa ginawang pag-aaral ng Asian Development Bank (ADB) Independent Evaluation Department.
Lumalabas sa pag-aaral ng ADB, na nahaharap ang bansa sa pagtama ng mga malalakas at mapaminsalang mga bagyo gaya ng super typhoon Yolanda tuwing dalawang taon sanhi ng climate change.
Ang pag-aaral ay inihanda ng Vinod Thomas ng IE-ADB; Jose Ramon Albert ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) at Cameron Hepburn ng Oxford University at ng London School of Economics.
Binanggit sa pag-aaral ang malaking panganib na maaaring harapin ng mga Pilipino dulot ng malalakas na bagyo kung hindi kikilos ang pamahalaan para tugunan ang epekto ng climate change at maiwasan ang panganib na maaaring idulot ng mga malalakas na bagyo. Johnny Arasga