DAHIL lamang sa hindi ipinagpaalam ang pag-uwi sa Pilipinas, binaril ng isang mister ang kanyang sariling misis sa Ilocos Sur.
Kinilala ng Salcedo PNP ang suspek na si Ariel Lata, 38, ng Barangay Pacac, Tagudin, Ilocos Sur; habang ang biktima ay si Kathy Lata, 34, ng Barangay Pias, Salcedo, Ilocos Sur.
Sa inisyal na imbestigasyon, nalaman ni Lata na umuwi na ang misis mula sa Singapore noon pang Hulyo at gusto nitong makipag-ayos.
Dahil sa ayaw nang makipagbalikan ng misis, bumunot ng baril ang suspek at binaril sa balakang ang asawa.
Agad namang itinakbo sa ospital si Kathy at nilalapatan na ito ng lunas.
Pinaghahanap na ang suspek na tumakas sakay ng kanyang motorsiklo. Johnny Arasga