Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tsuper, inutas habang natutulog sa jeep

$
0
0

HINDI na nagising pa ang isang jeepney driver matapos pagbabrilin ng suspek na nakamotorsiklo habang natutulog kasama ang live-in partner nito kagabi sa Maynila.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si Allan Empenio.

Sa ulat ng pulisya, natutulog ang biktima sa loob ng pampasaherong jeep na may plakang TWS 982 at pag-aari ng kanyang operator kasama ang live-in partner na si Celeste Loste sa kanto ng Tayuman at Almeda St. sa Maynila.

Sa kuha ng close circuit television (CCTV) camera, tumabi ang isang motorsiklo sa pampasaherong jeep at nang matiyak na naroon ang biktima, pinaulanan na ito ng bala ng suspek.

Mabilis na humarurot patakas ang suspek habang nagtatakbo naman ang live-in partner ng biktima dahil sa sobrang takot.

Ayon kay Loste, wala itong alam na motibo para patayin ang kanyang kinakasama maliban sa kinuha umano nitong bisikleta.

Sinabi naman ng ilang nakakakilala sa biktima na malimit na matanggal ito bilang driver dahil kulang-kulang ang kanyang nire-remit na boundary sa kanyang pasada.

Gayunman, iniimbestigahan pa ng pulisya ang tunay na motibo sa pamamaril habang inaalam din ang pagkakilanlan ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>