BASAG ang bungo ng ang isang Australian nang tumalon mula sa hotel sa kanto ng A. Luna St. at Buendia sa Pasay City, na sumabit sa kawad ng kuryente bago bumulusok ang dayuhan kaninang umaga, Setyembre 3, Miyerkules.
Bumagsak ito sa likod ng Atrium Hotel, kaninang 5:15 ng umaga, ang dayuhang nasawi na si Robert Andrews, 65, ng Melbourne, Australia
Dahil sa pagsabit sa mga kawad ng kuryente, naputol ito at pumutok ang transformer na nagresulta sa kawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng lugar. Agad namang inayos ng mga taga-Meralco ang aberya.
Hindi pa malinaw sa ngayon kung tumalon o nahulog mula sa itaas ang dayuhan at kung sa anong palapag ito nanggaling.
Nakita pa umano ng mga kalapit na residente sa lugar nitong Martes ng gabi ang biktimang palakad-lakad nang walang sapin sa paa at tila may iniisip.
Patuloy ang imbestigasyon sa insidente at inaalam pa kung may foul play na nangyari. Johnny Arasga