Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Money changer owner, tigbak sa holdap

$
0
0

BUMULAGTA sa loob mismo ng minamanehong sports utility van (SUV) ang isang babaeng may-ari ng money changer matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem na nangholdap dito sa Bulacan, nitong Martes ng hapon, Setyembre 2.

Dead-on-the-spot sanhi ng tinamong tama ng kalibre .45 sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Carmina Pagatpatan, 37, may-ari ng J-Lyn money changer na may sangay sa Malolos, Bulacan at residente ng Barangay Tilapayong, Baliwag, Bulacan.

Sa ulat, naganap ang insidente pasado 1 nitong Martes ng hapon sa Bgy. Sto. Niño, Plaridel, Bulacan.

Sinabi ni Central Luzon police spokesperson Chief Inspector Cherylou Donato, bago ang insidente, ay nag-withdraw ang biktima ng P1.2-milyong piso sa BDO branch sa may Barangay Banga 1st sa Plaridel town.

Habang sakay sa kanyang itim na Hyundai Tucson na may conduction sticker na ML-9360 at binabagtas ang Gov. Padilla Rd. patungong Malolos, Bulacan nang pagsapit sa lugar ay ratratin agad ng mga suspek na sakay sa kulay orange na  Honda TMX na walang plaka.

Dahil tinamaan ng bala ang biktima, nagpagewang–gewang ang sasakyan nito saka sumalpok sa pader ng Faustino Commercial Building.

Sa puntong ito, binuksan naman agad ng mga suspek ang isa sa pintuan ng sasakyan ng biktima at kinuha ang bag nitong naglalaman ng pera.

Bago pa tumakas, binaril din ng isa sa suspek ang paparating na isang Ford Lynx (EEC-808) na minamaneho ng isang Amorsolo Keyser, 30, at isang teacher.

Nag-ricochet naman ang bala sa loob ng sasakyan ni Keyser at tumama sa windshield ng nasabing sasakyan.

Bahagyang nasugatan ang kamay ni Keyser sanhi ng pagtalsik ng basag na salamin. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>