PATAY sa ambush ang isang opisyal ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Dasmariñas, Cavite kaninang umaga, Setyembre 3.
Dead-on-the-spot snahi ng tinamong tama ng bala ng kalibre .45 sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Russel ‘Jun’ Sindac, 43, MMDA official na nakatalaga sa Coastal Road.
Blangko naman ang pulisya sa kung sino ang salarin pero isa sa sinisilip na motibo sa pagpatay ay may kaugnayan sa trabaho ng biktima.
Sa ulat, naganap ang insidente sa tapat ng bahay ng biktima sa Bgy. Salitran 1, sa Dasmariñas, Cavite.
Bago ito, pinaiinit ng biktima ang makina ng kanyang sasakyan na nakaparada sa may tapat ng bahay nito nang biglang sumulpot ang suspek saka pinagbabaril ang biktima at tumakas. Robert Ticzon