WALA ng buhay nang matagpuan ang 50-anyos na ginang na pinaniniwalaang nalunod matapos atakihin sa puso sa Barangay Agojo, Panay, Capiz.
Natagpuang nakalutang sa dagat si Maria Jovy Dela Torre, ng Bgy. Buntod, sa nasabing bayan.
Ayon sa pulisya, maaring inatake ang biktima habang naliligo sa dagat dahilan ng pagkalunod nito.
Nabatid mula sa pamilya ng ginang na madalas itong maligo sa dagat tuwing umaga.
Nagtaka na lamang sila nang hindi ito nakauwi makaraan ang ilang oras. Marjorie Dacoro