Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pamatong, inaresto na ng NBI

$
0
0

HAWAK na ng National Bureau of Investigation-Anti-Organized Crime Division (NBI-AOCD) si dating nuisance presidential candidate Atty. Ely Pamatong matapos maaresto kahapon sa Ninoy Aquino International Airport-3 (NAIA-3).

Nagmula si Pamatong sa Cagayan de Oro nang arestuhin ng NBI sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Quezon City Metropolitan Trial Court Branch 33 Judge Joel Lopena kaugnay sa kinakaharap nitong kasong malicious mischief sa pagpapakalat ng spikes sa EDSA na nakaperwisyo ng maraming motorista ilang taon na ang nakalilipas.

Nilinaw ni NBI Director Virgilio Mendez na walang kaugnayan sa kanyang pag-aresto sa naganap na tangkang pagpapasabog sa NAIA-3 at ilan pang mga establisyimento noong Lunes ng madaling-araw.

Napag-alaman na hindi lamang warrant of arrest sa kasong malicious mischief kundi may isa pang warrant si Pamatong kaugnay naman sa nakuhang mga armas sa bahay nito sa Laguna.

Una nang inamin ni Pamatong na siya ang nag-utos sa tatlong naarestong sina Grandeur Pepito Guerrero, Emmanuel San Pedro at Sonny Yohanon.

Sinabi rin ni Pamatong na kilala at tauhan niya bilang chief of staff si Guerrero.

Nagpakilala ang tatlo na miyembro ng USA Freedom Fighters of the East o USAFFE at Guardian na nahulihan ng improvised explosive devices (IED). Jocelyn Tabangcura-Domenden


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>